Parish Youth Congress, Isinagawa sa Holy Cross Parish

Matagumpay na isinagawa ang Parochial Youth Congress ng mga kabataan ng Holy Cross Parishna may temang “Young Disciples Toward Sanctification,Evangelization and Communion” sa Lumang Kumbentong Parokya, Hulyo 13-14.Nagsimula ang nasabing gawain sa pamamagitanng Banal na Misa na pinangunahan ng DYC Director, Rev. Fr.Richard Landig. Mahigit 100 delegado ang lumahok sa pagtitipon na mula pa sa iba’t ibang baranggay na sakop ng parokya.

Layunin ng pagtitipon ng mga kabataanang maitanim, mapatatag, at mapalalim pa ang pananampalataya ng mga kabataan at maging disipulo ni Kristo, gayon din ang pagigimg isang epektibomg lider-kabataan ng samahan.

Isa sa mga gawain dito ay ang pagbibigay talakay at pagbabahagi ng ilang kabataan tungkol sa temang nasabing gawain. Ibinigay nina Maryann Padolina ang pagbabahagi para sa Sanctification o pagiging banal, Evanelization ni Mark Rainier Pernia at ibinahagi namanni Mark Dim Paul Piguerra ang tungkol sa Communion, Eric Maningas para sa paglalagom ng tatlong paksa nanatutunan sa nakaraang Regional Youth Camp sa Lipa City noong nakaraang Abril, gayon din tinalakay ni Mrs. Bernadette Lacerna ang Team Building at Group Dynamics at si Rev. Fr. Wilfredo L. Magcamit Jr. naman para sa Youth Leadership.

Naging tampok ng aktibidad ang Taize Prayer napinangunahan ng DYC Youth Leader na si Jayson Nabos, na isinagawa noong Sabado ng gabi na may layunin na mailapit ang mga kabataan sa Diyos. Nakiisa din sagawain ang dalawang bisitang Austriana ng Parokya nasina Veronica at Nina na hinandugan pa ng mga kabataanng Parokya. “It’s nice to spend a short time with the youth, we had a great time with them, We hope we meet each other again and it’s a great pleasure to be here”, pahayag pa ng dalawang banyaga.

Natapos ang gawain sa pangwakas na Misa sa pangunguna ng PYC Director na si Rev Fr. WilfredoL. Magcamit Jr. Ayon pa sa kanya laking pasasalamat niya sa mga kabataang lumahok dahil kung hindi sa kanila hindi magiging matagumpay ang Gawain ng mga kabataan, lalo na sa mga PYC Officers na nanguna saYouth Congress 2013. – Dim Paul Piguera