MARINDUQUE CATHOLIC EDUCATORS SUMMIT 2013, MATAGUMPAY

Sa pangunguna ng School Superintendent ng mga catholic schools na si Rev. Fr. Edwin Sager, ay naganap ang pagsasama-sama ng mga tagapamahala at guro ng limang katolikong paaralan.

Inorganisa ang 1st Marinduqe Catholic Educators Summit 2013 sa St. Mary’s College of Marinduqe noong June 10-11,2013. Layon nito na mapag-isa ang limang paaralan upang lubos na maunawaan ang K to 12 Basic Education Curriculum.

Ang naganap na summit ay may paksang “A Key Towards the Attainment of the K to 12 Basic Education Curriculum”. Napag-usapan sa Summit ang mga panuntunan para maging kasapi ng CEAP na tinalakay ni Rev. Fr. Jun Baria ang Regional Director, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd ay mas lalong nagkaroon ng linaw ang K to 12 Curriculum nang ipaliwanag ito ni Mrs. Magdalena Lim –Division Superintendent, sinundan ito ni Mrs. Lany Semilla-na nag-ulat tungkol sa standing ng mga catholic schools, tinalakay din ni Rev. Fr. Edwin Sager ang mga Legal Issues na may kinalaman sa mga karapatan ng mga mag-aaral, guro at ng paaralan, ang iba pang tinalakay ay ang Process of evaluluation on the students performance na ibinahagi ni Ms. Christina Palomares, at ang Process of Evaluation on the Employee na ipinaliwanag ni Mrs. Enriqueta Fabul.

Sa huling araw ng summit, nabuo ang isang samahan mula sa 5 catholic schools na tinatawag na Marinduque Catholic Educators Organization (MCEO). Nahalal ang mga sumusunod: Pangulo- Rev. Fr. Edwin Sager, Pang. Pangulo- Rev. Fr. Jovin Grimaldo, Kalihim- Sr. Arcelia Enguerra, RVM, Ingat-yaman- Sr. Melitina Mayo, MCST, Auditor- Rodolfo Villanueva, Ex-officio- lahat ng Direktor at Direktres, iba pang kasapi lahat ng coordinators at principal. – Janice Lundag