QUEMARLABARO REGIONAL YOUTH CAMP GINANAP

Lipa City, Batangas- ginanap ang taunang pagtitipon ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang Diosesis ng QUEMARLABARO region. Ginanap ito sa St. Francis de Sales Major Seminary Marawoy, Lipa City na may temang “Go ang make disciples of all nations” Mt. 28:19 ,“Young Disciples towards Sanctification, Evangelization and Communion” Nagsimula ang pagtitipon ng mga kabataan sa pamamagitan ng isang banal na misa na pinagunahan ni Lubhang Kgg. Ramon C. Arguelles, arsobispo ng Lipa kasama ang director ng walong diyosesis na kalahok.

Sinundan ito ng isang welcome party sa harapan ng katedral ni San Sebastian. Ginanap naman sa St. Francis de Sales Major Seminary ang pagtalakay sa Sanctification na ginampanan ni Rev. Fr. Joseph Mendoza, Evangelization na tinalakay ni Rev. Fr. Jing Buensalida at si Rev. Fr.Vicente Ramos naman ang nagtalakay ng tungkol sa Communion. Binigyang diin din sa ikatlong araw ang bible verse na “Go and make disciples of nations” na halaw mula sa ebanghelyo ni San Mateo kabanata 28:19 na syang naging hamon sa bawat isa na maging buhay na saksi at disipulo ni Kristo sa kanikanilang mga Diyosesis at mga parokya.

Sa ika-apat na araw ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan ng rehiyon na mabisita ang pinaka malaking at pinaka matandang simbahan sa buong Asya ang Minor Basilica ni San Martin ng Tours, sa Taal, Batangas. Kasudod naman ay ang Pilgrim walk patungo sa Dambana ng Our Lady of Caysasay sa Bario Labac sa bayan ng taal. Sa gabi naman ay isinagawa ang cultural night sa seminary kung saan ipinakita at ibinahagi ng bawat diyosesis ang kultura mula sa kanilang lugar.

Natapos ang camp sa isang misa na pinangunahan ni Cardinal Rosales kasama ang mga kaparian ng rehiyon sa katedral ng San Sebaastian Lipa City. Mahigit anim na daang (600) kabataan mula sa walong diyosesis ang dumalo. Nagkaroon din ng paghalal ng bagong director ng mga kabataan ang rehiyon sa katauhan nina Rev. Fr. Ceferino Boyet S. Valenzuela, Jr bilang Regional Youth Director, Rev. Fr. Ephraim A. Cabrera Regional Assistant Director.

Buong puso namang tinanggap ng Diyosesis ng Gumaca ang hamon ng pagdiriwang ng taunang QUEMARLABARO Regional Youth Camp sa susunod na taon sa kanilang Diyosesis. Lubos naman ang pasaslamat ng Archdiocesan Youth Commission ng Arsediyosesis ng Lipa sa tulong at sa mga dumalo sa Regional Camp 2013. – KD Manguera