Pagdiriwang ng Holy Spirit Mass sa OMPSA, Matagumpay!

Hunyo 19, 2013- Upang pormal na pasimulan ang panuruang taon 2013-2014 pinagdiwang ng Our Mother of Perpetual Succor Academy ang taunang Holy Spirit mass sa simbahan ni San Ignacio de Loyola.

Pinangunahan ito nina Reb. Padre Lino Esplana, Diocesan Administrator, Monsignor Magdorulang at Reb. Padre Christian Francis Regencia. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral, mga guro, ilang empleyado ng pamahalaan at ibang parokyano.

Ang mabuting balita ayon kay San Juan ay nakatuon sa pagbaba ng Banal na Espiritu sa mga Apostoles at binigyang diin naman ni Fr. Lino sa kanyang homily ang pitong kaloob ng Banal na Espiritu (seven gifts of the Holy Spirit): ang kahulugan at kahalagahan nito sa ating mga buhay. Nakapaloob din sa misa ang pagsambit ng kaguruan ng OMPSA ng kanilang renewal of vows, na pinangunahan ni Reb. Padre Christian Regencia, Direktor ng OMPSA at ni Gng. Enriqueta Fabul, punong guro.