RE-ECHO NG QUEMARLABARO 2013 SA PAROKYA NI SAN ISIDRO LABRADOR, MATAGUMPAY!

By • Jun 17th, 2013 • Category: Parish News & Updates

Mogpog, Marinduque- Sa pangunguna ng mga lider kabataan ng Parokya ni San Isidro Labrador, naging matagumpay ang isinagawang Re-Echo ng QUEMARLABARO 2013 na ginanap sa bulwagan ng Mogpog Central School noong ika 2 ng Hunyo 2013 na dinaluhan ng mga kabataan sa iba’t-ibang barangay na sakop ng nasabing parokya. Ang nasabing gawain ay may temang “Young Disciples towards Sanctification, Evangelization and Communion” na hinango mula sa ebanghelyo ayon kay San Mateo (Mt 28:19) “Go and make disciples of all nations.”

Ang mga naging tagapanayam sa nasabing gawain ay sina Bernard Luisaga, Sherilyn Nabing at Andro Nikko San Diego, mga youth leader ng nasabing parokya. Kanilang binahagi ang kanilang mga karanasan at mga realisasyon batay sa tema ng Re-echo. Nagkaroon din ng bahaginan ang mga participants ayon sa mga gabay na katanungan na binigay ng mga tagapanayam. Naroon din si Rev.Fr. Rodolfo D. Arias, Jr., Parish Youth Director ng Parokya ni San Isidro Labrador upang ibahagi kung papaano maging isang “evangelizers” ang mga kabataan sa modernong panahon.

Nagsilbing hamon sa mga dumalo ang kanilang mga natutunan upang maging mga misyonerong kabataan sa Simbahan ng mga Dukha na may Pag-ibig, Katarungan at Kapayapaan. (sheaynenabing)