TAGA LONDON AKO

I was ambitious. I never dream to become a teacher ……but ……..I became a teacher…. And I am very grateful, I became a teacher.

Noong fourth year high school ako, whenever my classmates were talking of what course we would take up after graduation, their choices were to take up nursing, engineering, law, medicine, architecture or dentistry. My choice was to take up Social Works or Journalism. Pinagtawanan ako sa bahay ng mga magulang ko. “Mayaman ba tayo para mamili ka ng kurso at sa Maynila ka mag-aaral? Dito ka na lang sa Calauag pumasok at mag-teacher ka na lang,” sabi ng tatay ko. Gumuho ang mundo ko. Nakakahiya sa mga classmates ko. Lahat sila ay sa Maynila mag-aaral “Ayoko ng teacher,” paiyak kong sagot sa tatay ko. “Aba, di huwag kang mag-aral, magtinda ka na lang ng isda. Hindi tayo mayaman, tulad ng mga kaeskwela mo”.

At ang pangarap ko’y naunsyami. Naging teacher din ako at teacher din lang ang naging husband ko. Because teachers were the lowest paid among government employees those days, we tightened our belt to meet both ends. Our five sons were then in Manila. Two were in Feati, both working students, the third in De Ocampo Univ. taking up Dentistry, the fourth in UP Diliman, a scholar, taking Fine Arts. The fifth was in UST, the only professional student. Kaya pag first semester punta agad ako sa Manila, dala ko ang mga application forms ng salary at policy loan at ng mga private insurances ko para pang tuition and allowance nila. Kapag second semester na, luwas uli ako dala naman ang application forms ng salary at policy loan ng mister ko. At habang pina-process ang papers niya nasa isang sulok ako praying the rosary para ma-approve ang loan niya. Pagdating sa bapor marami ang nagtatanong. “Bakit parati ang luwas mo” “Naglo-loan ako. Teacher lang kaming mag-asawa at from hand to mouth existence lang kaya para maigapang ang pag-aaral ng mga anak, loan dito at loan doon ako.” “Taga-London po kayo? Malaki ang pera doon, pounds,’ sabad ng isang usyusero. “Hindi ako taga- London, nangungutang ako!” “Ay, mali!” At kumanta naman. “London Bridge is falling down, falling down” at nagtawanan ang mga nakakarinig.

But although I was a “teacher only”, all my dreams came true. God never failed my dreams. Ang pangarap kong maging Journalist was materialized when I attended Campus Journalism seminar. At ang pangarap ko na maging Social Worker was materialized when I became an active Troopleader and a Credential Trainor in Scouting. Thus I reached different places like Baguio, Leyte and Zamboanga City to attend national events. I was awarded also a Plaque of Recognition, as one of the Council Board member in Scouting. Thanks God for being a teacher at sa pagiging taga-”London”, fully accomplished ako sa five sons namin.

Sang-ayon sa KAWIKAAN 18:14, “Ang matatag na kalooban ay mabuti sa tao, Ngunit kung mahina ang loob anong mangyayari rito.”