Mga Kabataan sa Diyosesis ng Boac, nakiisa sa Marian Congress/Leadership Training

Nakiisa ang mga kabataan sa Diyosesis ng Boac sa Marian Congress/Leadership Training noong ika-29-30 ng oktubre sa parokya ni San Isidro Labrador, na may temang “Stand Firm in the Faith” (1 Cor 16:13). Nagkaroon ng Banal na Misa sa ganap na ika-8 ng umaga na pinangunahan ni Rev.Fr. Martin Puertullano kasama ang ilang kaparian. Ang mga naimbitahang “guest speakers” ay nagbahagi ng mga paksang makakatulong sa pagpapalalim ng pananampalataya at paglilingkod ng mga kabataan.

Si Rev. Alexander Llante ang nagbahagi ng paksang “Life of St. Pedro Calungsod”. Bingyang diin niya na si St. Pedro Calungsod ay isang kabataang naglingkod sa simbahan at dapat siyang gawing modelo ng mga kabataan sa paglilingkod at pagp

apalalim ng pananampalataya. Tungkol naman sa “Marian Talk” ang ibinahagi ni Rev. Christian San Juan. Ipinaliwanag niyang si Maria ay isang babaeng walang bahid ng kasalananat isang kabataang malaki ang paniniwala at pananampalataya sa Diyos dahil hindi siya nag-atubiling tanggapin ang pagiging ina ng Panginoong Hesus. Isang recollection naman ang isinagawa ni Bro. Momay Mayo tungkol sa temang “Stand Firm in the Faith”. Naging maganda ang kanyang pagbabahagi dahil nagbigay daan ito upang malinawan ang kaisipan ng mga kabataan ukol sa kahalagan ng pananampalataya at paglilingkod sa Diyos. Ang mga paksang may kinalaman sa leadership training ang ibinahagi nina Mrs. Bernadette Lacerna at Hon. Obet Macdon. Tungkol sa team Building at Group Dynamices ang inilahad ni Mrs. Bernadette Lacerna. Nakatulong ang workshop upang maipakita sa mga kabataan ang kahalagahan ng team building. Binigyang diin niya na upang maging matagumpay ang isang samahan kailangan ang pagkakaisa o pagiging isa ng bawat myembro. Sa kabilang banda naman ay ipinaliwanag ni Hon. Obet Macdon ang tunay na kahulugan ng pamumuno at katangiang dapat taglayin ng isang lider. Righteous leadership ang dapat gagawing pamumuno ng isang lider kung saan hindi nakahiwalay ang Diyos bagkus ay nakasentro ang buhay paglilingkod sa kagustuhan niya.

Sa pagtatapos ng nasabing Congress ay nagkaroon ng Banal na Misa na pinangunahan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista. Sa kanyang homiliya ay nag-iwan siya ng hamon sa mga kabataan na ang ibang kabataang hindi malapit sa simbahan ay kanilang mahikayat at maging daan sila upang makilala ng mga ito ang Diyos. Higit sa lahat, matulungan ang kabataan upang lumalim ang kanilang pananampalataya sa Diyos at isabuhay nila ang temang “Stand Firm in the Faith” (1 Cor 16:13).