BASIC ORIENTATION SEMINAR, MATAGUMPAY

Mogpog, Marinduque- Sa pangunguna nang mga lider kabataan ng Parokya ni San Isidro Labrador, matagumpay na naisagawa ang Basic Orientation Seminar (B.O.S) na dinaluhan ng 133 kabataan mula sa iba’t ibang barangay na sakop ng parokya noong ika 10 ng Nobyembre 2012 sa bulwagan ng nasabing parokya.

Naging panauhin tagapagsalita sila Bro. Arnulfo Regio, Diocesan Youth Commission President, si Bro. Zosimo Mayo ng Buhay at Pamilya at si Reb. Pdre. Ulysses Santos Rivamonte, isa sa mga lingkod-pari ng Parokya ni San Isidro Labrador. Kanilang tinalakay ang Tao, Kristo at Simbahan na kung saan nabigyang diin ang “role” o gampanin nang kabataan lao’t higit sa Taon ng Pananampalataya. Nagtapos ang nasabing gawain sa huling pagbabasbas ni Reb. Pdre. Rodolfo Arias Jr., Parish Youth Director ng San Isidro Labrador.

Nagsilbing hamon sa mga kabataang dumalo ang kanilang mga natutunan sa nasabing gawain upang lalong maging buhay na simbahan na naglilingkod Kay Kristo at Sa Simbahan ng mga Dukha.