Thimble of Love by Anna Roffel Lozada

Bilang Kristiyano, alam dapat natin ang salitang “pagpapatawad”. Ang sarap kaya sa pakiramdam na wala kang kasamaan ng loob. Matutulog tayo sa gabi na walang iniisip na may nagawa tayong kasalanan sa ibang tao. Lahat ng tao ay nagkakamali at sa pagkakamali nating iyon doon tayo natututo.

Nais kong ibahagi ang kwento ni Carolyn Standerfer na makakapagpamulat sa ating isipan na hindi tayo dapat magtanim ng sama ng loob sa ibang tao lalo na sa ating mga magulang at mga anak bagkus dapat marunong tayong magpatawad at maging mabait sa kanila. Bilang anak, tungkulin natin na igalang sila, respituhin, mahalin at sumunod sa lahat ng utos. Sabi nga sa isang tula, “Tulungan ang mga magulang sa abot ng makakaya mo bilang ganti sa pag –aaruga sayo at mahalin mo ang magulang mo”. Bilang magulang, palakihin ang mga anak mo na may pananalig sa Diyos, may respeto sa kapwa at turuang maging mabuting mamamayan. Sabi nga, di lahat ay perpekto. Ano nga ba ang tungkulin natin sa ating mga magulang? Ikaw? Alam mo ba ang tungkulin mo sa ‘yong magulang?

Ayon nga kay Erica Wise “When you forgive, you free your soul.” At sobrang sarap sa pakiramdam.

Ang kwento ni Standerfer ay hango sa Teatime Stories for Women patungkol na nanatili sa kanyang isipan ang ginawa sa kanyang ama kung baga she is still holding on to pain. Minsan sa buhay natin hindi natin maiwasan ang ibang tao ang sinisisi natin sa mga sitwasyon na nagyari sa buhay natin.

My dad’s long overdue admission that he had molested me throughout my childhood made no difference at all. It was just too painful for my Mom to face.

Why can’t she give me the love and support I need and deserve? My heart cried out. I felt betrayed. My Mom felt blamed. All attempts to make peace failed. Soon pain and anger ran like a raging river, eroding the banks and widening the gap between us.

After two long, cold years of silence, a day came when we were to be at the gathering together. The hour drew nearer. Like frightened deer with nowhere left to run, we faced the great chasm of silence that gaped between us.

“Grandmother!” my eight – year – old daughter, Sarah, yelled as she jumped out of the car. Her ivory arms and golden hair swept about the Grandma she loved and missed so terribly. “I have the gift for,” she announced with delight. She opened her little hand slowly before her grandma’s wondering eyes. “Mommy bought it,”, she whispered.

My silver – haired mother caressed the tiny china thimble. She gently touched the delicate flowers and “Grandmother” that were painted on it in beautiful pastels.

“Be careful, Grandmother, “Sarah warned, “It’s very fragile.”

“That it is,” she replied. “It’s lovely! Thank you.” She bent to kiss her granddaughter’s silken head. Then turning toward me, she reached out a trembling hand. Without a word, I moved into her embrace. Unbidden tears slipped quietly down the cheeks.

“Thank you, too.” She breathed. “I will treasure it”.

A small gift. A fragile beginning. But our God has been known to do the great things with even less. That thimble was full of forgiveness, acceptance, and mercy. A thimble full of love. I wonder – if a mustard seed of faith can move a mountain, can a thimble full of love fill a chasm?

Mababasa natin sa Bibliya ang pangangailan na paghingi ng kapatawaran at pagpapatawad sa isa’t isa. Lahat tayo ay may kasalanan na nanghihingi rin ng kapatawaran ng Diyos. Kung marunong kang magpatawad, ito ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano para sa nakakarami.

Kung malaki ang naging kasalanan sa’yo ng isang tao maraming paraan upang mabigyan ng solusyon ang bagay na iyon. Parang sa kwentong ating nabasa, hindi nila inaasahan na magkikita sila sa isang gathering at dahil sa isang regalo na tiny china thimble muling maibabalik ang dating pinagsamahan na sa simula ay tila may lamat. Sabi nga may mga pagkakataon na dumating sa buhay natin or yung tinatawag na expect the unexpected. Lahat ng bagay may solusyon kung gugustuhin natin.

Ang pangunahing itinuturo sa atin ng mga magulang maging ng Simbahan ay pagpapatawad. Bilang anak, hindi kayang baliwalain ang isang magulang na humihingi ng kapatawaran. Hindi kayang tiisin ng isang anak o ina ang kanyang mahal sa buhay kahit gaano man kadami ang ginawa nitong pagkakamali. Nawawala ang sama ng loob kapag nagkatagpo sa di inaasahang pagkakataon.

Lagi nating tatandaan na ang ating mga magulang ay sandigan natin sa tuwing may problema, sa lahat ng uri ng problema nandian sila parati. Ayon sa nabasa ko sa internet, “tadtarin man ng pinong-pino ang katawan natin kulang pa raw pambayad sa mga paghihirap ng magulang natin”. Ganito na lang kaya “paluin ka man ng mga walis-tingting sa iyong binti, bali-baliktarin man natin ang sarili, itiwarik man natin sa kisame ang mga katawan natin o kaya ilubog man tayo sa kumukulong mantika, ang katotohanan ay MAGULANG pa rin natin sila”. Hindi natin kayang ipagpalit sa kung anumang bagay ang mga paghihirap nila sa atin kaya walang kapantay ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak. Kahit anu pa ang sabihin natin, pagbali-baligtarin man natin ang mundo hindi natin sila maikakaila na sa kanila tayo nanggaling.

Dear Lord, thank you that a thimble of love can fill a chasm. Please teach me how to forgive and re-forgive as many times as necessary. Thank you that Your forgiveness covers me. Amen.