Baston

Maraming bagay, pangyayari, lugar at tao sa paligid, ang ginagamit ng Diyos upang malaman natin ang mga mahahalagang katotohanan na dapat nating malaman. Subalit madalas ang mga ito’y hindi napapansin. Kung minsa’y pinagwawalang bahala, at isinasantabi sa sulok ng ating pagiging walang pakialam. Often times we have all the opportunity to learn, but we seldom take the chance; because we ignore simple things which seem not important.

Sa paaralan marami tayong natututunan sa mga guro at sa mga aklat. Kailangan natin ang mga ito spagkat mahalaga sa buhay ang edukasyon. Ngunit may mga bagay tayong natututunan sa ating mga kongkretong karanasan sa buhay. Mga mumunti at minsa’y nakakatuwang karanasan na magbibigay sa atin ng pagkakataon para makapag-isip, makapagnilay at matuklasan ang aral na itinuturo ng mga ito sa atin.

Nais kong ibahagi ang isa kong karanasan. Minsan ako’y nag-serve sa binyag, suot ay baston (pitis) na pantalon, balat na sapatos, clerical, at ang buhok ko ay parang kay Rizal. Napansin kong ako’y pinagtatawanan ng mga nagpapabinyag at hindi ko lang alam kung ito ba ay dahil sa suot ko o cute lang talaga ako. Hindi ako nagkamali, dahil nga sa suot ko. Noon di’y gusto kong umalis at magpalit kahit nagbibinyag na. Para bang gusto kong sandaling lumubog sa kinatatayuan ko para hindi nila ako makita. “Wala akong magagawa, panindigan na lang” ito ang nasabi ko sa aking sarili.

Oo, nakakatawa ang pantalong baston na suot ko. Pitis, hapit na hapit at isa pa dito ay napakaliit ko pa. Talagang mukhang katawa-tawa. Pero mayroon akong tangan na isa pang baston na hindi katulad ng pantalon ko na katawa-tawang tingnan. Ang baston kong ito ang umaakay sa akin sa tamang landas na tinatahak at tatahakin ko sa aking buhay. Tangan ko na ang baston na ito mula pa ng ako ay isilang ngunit minsan sadya ko siyang nakakalimutang dalhin kaya naliligaw ako ng landas.

Ang baston kong ito ang aakay sa akin upang makasama ko ang Diyos. Ang baston ko ang magtuturo kung alin ang mahalaga, ano ang dapat, at bakit kinakailangan. Ang baston kong ito ay si Hesus. Siya ang aking Pastol na gagabay sa tinatahak kong daan. Minsan napapalihis ako ng daan pero ang Baston ang muling gagabay sa akin patungo sa tamang daa. Following Jesus speaks something, to be like Jesus as we follow Him is already another thing. Perhaps this might hinder us like the rich man in the gospel, but we must put our trust in Him because this is exactly what He wishes for us.