Sa isang Paglalakbay

How fast time flies. As if only yesterday when I encountered an unsual experience. That peculiar incident lingers always in my memory. My eldest son called me up. “Mama mag –prepare na kayo . Nag-e-mail na ako ng ticket nyo. Tingnan nyo na sa computer at i-print nyo na.” I was surprised. I didn’t expect to go somewhere. . Maybe my sons were alarmed about my health. On the onset of El Nino I had been very weak and sickly. “Mama, you’re always out. Very busy ka sa mga activities mo. Baka kayo ma-heat stroke. Remember hindi na kayo bumabata,” sabi ng youngest son ko. So, nag- tone down ako sa mga activities ko. Pero dahil low bat pa yata ako, namali ako sa pag hakbang. Natumba ako at na-dislocate ang tuhod ko. When I got well pinagbakasyon ako ng mga anak ko,. for a change of atmosphere daw at nang ma-recharged agad.

Nasa airport na ako, naka pila na upang mag-check-in, dumating ang isang mama, may dalang mga embarkation cards at ipinamimigay sa mga passengers to fill-up earlier. “Mag ready na kayo ng P1600 for your terminal fee,” sabi sa amin. Pagtapat sa akin, tinanong ko siya, “May discount ba ang senior?” ”Wala, pareho din ang bayad,” malakas niyang sagot at mabilis na umalis. “Suplado” bulong ko.

Pero maya-maya, bumalik, nakangiti na at magiliw na nagsalita. “Pagdating mo sa counter, huag kang magbabayad, pagkatapos lumapit ka sa akin” “Bakit kaya?” Nang nasa counter na ako, kinuha ang passport at embarkation card ko noong counter lady. Binasa lang at di humingi ng bayad. “Exempted naman pala ang mga senior, lekat na mama yon ah.” Pagtalikod ko sumunod ang mama. ‘Doon ka pumunta, magbabayad ka naman ng travel tax, P750 lang yon, “at kumindat pa sa akin.” “Himala, bakit mabait na? Pagpasok ko sa immigration, pinapasok agad ako sa lobby pagkabayad ko. After an hour nag-announced na, “All passengers to Singapore, get ready” Biglang sumulpot ang mama. “Mommy, kumusta na” “Bakit po?, tanong ko. “Bigyan mo na lang ako ng P500.” Nagulat ako. “Bakit kaya? Para saan naman ‘yon?” Doon ko na-realized na kaya pala he became nice to me, gustong mangdelihensya. But I can’t do otherwise but to hand the said amount. Baka pag di ko binigyan mag-create ng false accusation against me at ma- postponed ang flight ko. Nag-iisa pa naman ako “Mommy, mabigat yata ang dala nyo, ako na lang ang magdadala. ”Kaysa sa mahulog ako sa hagdan, pinadala ko na. “ Oh, mommy, inilagay ko diyan sa unang upuan para malapit ka sa entrance, madali kang makakapasok” “Lelong mong panot”, bulong ko sa sarili ko. “Me number yata. First come first serve . Hindi yata ako ipinanganak ng panahon ni Mahoma” Di bali, inisip ko na lang, mabuti na rin at nanghingi na lang kaysa sa nadukutan ako. Total pera lang yon at hindi naman ako ang nanloloko. Totoo ang sabi ni Balagtas. “Ang masayang mukha at pakitang giliw, lalong pakaiingatan at kaaway na lihim. ”Hus, nadenggoy ako ng mamang yon.” At naalaala ko pa rin ang sabi sa KAWIKAAN 16:30, “Mag-ingat ka sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat, Pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak.”