Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Kiddie King & Queen, tampok sa kapiyestahan ni San Jose

By Diocese of Boac • May 21st, 2012 • Category: Parish News & Updates

Matapos ang mahigit 5 dekada, muling nagdaos ang Parokya ni San Jose ang Manggagawa ang SEARCH FOR KIDDIE KING AND QUEEN ngayong taong 2012 kasabay ng pagdiriwang ng kapiyestahan noong Mayo 1. Ito ay isang fund raising activity na bahagi ng malawakang kampanya ng parokya upang mapabilis ang pagsasaayos ng simbahan.

Abril 15 nang isagawa ang Talent Night ng 15 pares na kalahok sa Kiddie King and Queen mula sa 17 barangay na sakop ng parokya. Sinundan ito ng Last Canvassing ng mga nakolektang halaga ng bawat kalahok.

Nakamit nina Nellena Kaye Pedrigal at Hans Gabriel Romasanta ng Brgy. Tawiran ang korona bilang Kiddie King and Queen 2012 matapos nilang makuha ang unang pwesto sa mahigpit na laban sa last canvassing. Pumangalawa naman sina Andrea Lou Marquez at Jehann Villareal ng Brgy. Taytay. Sinundan sila ng magkaparehang mula sa Sitio Mataas na Bayan at Oriental na sina Christian Manalo at Angela Mae Ancheta.

Isinagawa naman ang Coronation Night ng mga Kiddie King and Queen noong Abril 29,2012 kasabay ang pagbibigay ng mga natatanging pagkilala sa mga bata at sa 17 barangay na nakilahok sa nasabing okasyon.

Lubos ang pasasalamat ni Reb. Pdre. Jovin Grimaldo, Lingkod-pari, ang pakikiisa ng mga magulang at pamunuang barangay upang muling makalikom ng malaking halaga para sa patuloy na pagsasaayos ng simbahan.