Bisita Pastoral, Isinagawa sa Parokya ni San Isidro Labrador
By Diocese of Boac • May 21st, 2012 • Category: Parish News & UpdatesIsinagawa ang Bisita Pastoral ng Obispo ng Diyosesis, Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista sa Parokya ni San Isidro Labrador, Mogpog, Marinduque noong ika-26 hanggang ika-30 ng Marso 2012. Naging mainit ang pagtanggap sa mahal na Obispo sa pangunguna ng Parish Pastoral Council, Baranggay Pastoral Council, Sangguniang Barangay, mga Religious Organizations at ng tatlong pari na naglilingkod sa parokya. Pinasimulan ang gawain sa pamamagitan ng pangdiriwang ng Banal na Misa na pinamunuan ng Obispo. Naging tampok na mga gawain sa Bisita Pastoral ang pakikipagpulong ng Obispo sa Parish Pastoral Council at iba’t-ibang Religious Organizations ng parokya. Kasama din dito ang pagbisita sa Bahay Pamahalaan ng Mogpog kasama ang pakikipanayam sa mga kawani nito. Dinalaw din ng Obispo ang mga barangay ng Puting Buhangin, Bocboc, Mampaitan, Danao, Ino at Capayang na lubos na ikinasiya ng mga mamamayan ng mga nasabing barangay. Makabuluhan at mahalaga ang mga gawain sa pagbisita ng Obispo sa parokya. Napakinggan ang mga saloobin ng mga mamamayan at nakita ang kalagayan ng parokya. Lubos ang pasasalamat ng mga parokyano ng Mogpog sa pagbisitang ito ng Obispo at hindi maitatanggi ang kasiyahan ng bawat isa.
Diocese of Boac is
Email this author | All posts by Diocese of Boac


