LOVE of God and your fellowmen

The diocesan recollection that focused on LOVE of God and your fellowmen in preparation for the Holy Week was a very successful one with bishop as our main facilitator assisted by our spiritual director. It was indeed a very spiritually enriching experience. Ang mga pangungusap na ito ang naisulat ko sa wall ng aking facebook account pagkatapos ganapin ang diocesan recollection ng lahat ng officers, coordinators at kasapi ng samahan sa Boac Cathedral noong ika-17 ng Marso 2012. Ang nasabing recollection ay dinaluhan ng humigit kumulang sa 500 participants at nagtapos sa isang Banal na Misa na pinamunuan ng lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista. Ang pagninilay ay sinimulan ng ating Obispo sa katanungang, “Nananabik nga ba tayo sa Diyos ngayong panahon ng Kuwaresma?” At sinabi niya na sa Diyos lamang nagkakaroon ng kabuluhan ang ating buhay. Ang Diyos ang pinakadakila sa atin na kung saan uhaw sa Diyos ang ating kaluluwa. Nabanggit din niya ang Lenten Message ni Pope Benedict XVI sa lahat na nagsasabing “Sikapin magkaroon ng damdamin sa bawat isa ng pag-ibig sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. Pag-ibig kabanalan sa Diyos at sa kapwa ang pinakamahalagang. In order to be Saint one must be serious to be one. Katulad ng sinabi ni Saint John Ma. Vianney. “We can if we will become a Saint for God will never refuse to help us to do so.” Ang buhay sa pagpapakabanal ay pag-ibig. Mahalaga na matuto tayo na magbigay ng ating sarili (self-giving) at pagsasakripisyo (self-sacrifice) na nag-uugat sa PAG-IBIG atulad ng ating Panginoong Hesukristo na nag-aalay ng sarili niyang buhay sa krus dahil sa pagmamahal Niya sa atin. Ang kanyang ginawa ay pag-anyaya sa atin na dapat na tularan Siya.

Ang kay Rev. Msgr. Ramon M. Magdurulang naman ay nakatuon sa Sentro ng ating Buhay at Kabanalan: ang PAG-IBIG na makikita sa pagmamalasakit natin sa bawat isa. Sa kabuuan ang naging Theme ng recollection ay nakatuon sa Pag-ibig na kung saan nabanggit din ang parabola ng isang mabuting Samaritano. LET US BE CONCERN. Being concern to others entails being concern to their spiritual being.

Samantala dinaluhan ng mga pangulo at kinatawan ng 13 Pamparokyang Yunit ang kauna-unahang pandiyosesis na pagpupulong sa taong ito na ginanap noong ika-25 ng Pebrero 1012 sa Pastoral Center. As of February 24, 2012, ang kasapian ng samahan sa buong diyosesis ay 8, 470 ang total donation ay nasa humigit kumulang sa 5 milyong piso ayon kay Sis. Beth Lambon.

Inaanyayahan po ang lahat na hindi pa kasapi na makipag-ugnayan sa mga pamunuan ng Pamparokyang Yunit na maging kasapi, na ang ating layunin ay suportahan sa pamamagitan ng “financial at panalangin ang kaparian ng ating diyosesis. Binabati po natin ang dalawang seminarista na sina Bro. Christian San Juan at Bro. Alexander Llante sa kanilang ordinasyon sa pagka Diyakono sa ika-30 ng Abril 2012.