OMPSA’s Dinner Concert for a Cause, ginanap

Torrijos, Marinduque – Isinagawa ang isang konsyerto na pinamagatang: A Breakthrough Concert noong Pebrero 15, 2012 sa Torrijos covered court plaza kasabay sa pagdiriwang ang ika-29 taong kaarawan ng direktor ng Our Mother of Perpetual Succor Academy na si Reb. Padre Christian Regencia.

Nagsagawa ng Banal na Misa bilang pasimula ng pagdiriwang. Sinundan naman ito ng mga pagtatanghal ng mga mag-aaral ng OMPSA habang ginaganap ang isang masaganang hapunan.

Ang malilikom na pondo sa konsyerto at “dinner for a cause” ay ilalaan sa patuloy na pagpapagawa at pagsasaayos ng nasabing paaralan.

by: Bernardine Par, NewsCoor