Paglalahad ng Constitution and By Laws

Ang unang Pangkalahatang Pagpupulong ng Samahan ni San Juan Ma. Vianney ay gaganapin sa ika-25 ng Pebrero 2012, Sabado, sa Pastoral Center na kung saan, ang Main Agenda ay ang paglalahad ng Constitution and By Laws ng samahan ng binalangkas na komitesa pamumuno… ni P.Edwin Sager, pangulo ng Boac Pari Foundation, Sis. Delia Jandusay, Pandiyosesis na Patnugutan at ang Obispo Reynaldo G. Evangelista. Tatalakayin ang tungkol sa pagpapalago ng maka-Vianey na espiritwal ng mga kasapi sa pamamagiitan ng pagsasagawa ng Bikaryal na rekoleksyon bago ang Mahal na Araw. Sa issue ng Pulso ngayon, pagnilayan muna nating muli ang kahalagahan ng isang pari halaw sa pagninilay ni San Juan Ma. Vianney mula sa aklat ng Holy Hour. Ito ay upang maunawaan natin kung bakit dapat pagmalasakitan ang, ipagdasal at mahalin ang ating mga kaparian na siyang kinatawan ng ating Panginoong Hesukristo sa daigdig.

O kay dakila ng isang pari. Hindi maintindihan ng isang pari ang kadakilaan ng kanyang tungkulin hanggang sumapit siya sa langit. Kung dito sa lupa’y nabatid niya ito, sa pagpanaw niya’y hindi takot kundi pagmamahal ang mamayani sa kanya. Hindi natin matatanggap ang mga biyaya ng Diyos kung walang mga pari. Ano pa nga ba ang silbi ng isang bahay na puno ng ginto kung walang magbubukas ng pinto nito. Ang pari ang susi sa kayamanang makalangit. Siya ang tagapagbukas ng pintuan, siya ang katiwala ng butihing Panginoon at siya rin ang kasangkapan ng makalangit na kayamanan. Kung walang mga pari, ang mga biyaya mula sa kamatayan at pagpapakasakit ni Hesus ay hindi makakaabot sa atin.

Ang pari ay hindi nabubuhay ng para sa kanyang sarili. Hindi niya pinatatawad ang sarili niyang kasalanan. Hindi niya ipinagdiriwang ang mga sakramento para sa kanyang kadakilaan. Ang lahat ng kanyang ginagawa at mga gagawin ay hindi para sa kanya kundi para ito sa bayan. Pangalawa sa Diyos. Ang pari ay lahat-lahat, hayaan mong maulila sa pari ang isang parokya sa loob ng dalampung taon at ang mangyayari’y, sasamba sila sa mga diyus-diyusan. Kung ang paring misyunero at ako ay lilisan, sasabihin ninyo sa amin: “Ano ang gagawin namin sa Simbahang ito? Walang magmimisa, mawawala ang pananatili ng Panginoon dito. Sa bahay na lamang kami mananalangin.” Kung nais sirain ng mga tao ang relihiyon, simulan nilang sirain ang pari. Sapagkat, kung walang pari, wala ng sakripisyong alay. Kung wala ng sakripisyong alay, wala ng relihiyon.kapag kayo’y inanyayahan ng kampana na magtungo sa simbahan, at kayo’y tanungin: “Saan kayo tutungo?” maaari ninyong isagot: “Bubusugin ko ang aking kaluluwa.” Kung may magtatanong ng nakaturo sa Tabernakulo: “Ano ang gintong pintuang iyon?” “iyan ang pinagmumulan ng tunay na pagkain na bumubusog sa aming kaluluawa.” “sino ang may hawak ng susi?, sino ang nangangasiwa nito? Sino ang naghahanda sa piging at salu-salo? Ang sagot: “Ang pari!” “At ano ang Panginoon?” Panginoon, kay lalim ng pagmamhal ninyo sa amin. Masdan ang ikapangyarihan ng pari; mula sa kapirasong tinapay, nababago ng salita ng pari at nagiging Diyos. Mas dakila pa ito sa paglikha ng mundo.

Sana po, sa pagninilay nating ito sa kahalagahan ng pari sa ating buhay espiritwal ay matutunan nating pahalagahan at pagmalasakitan ang kalagayan ng mga pari. Isa sa mga paraan ay ang maging kasapi ng Samahan ni San Juan Ma. Vianney.