Caroling ng mga mag-aaral ng HIPS, isinagawa sa Maynila

Bilang bahagi ng fund raising para sa pagpapatuloy ng gusali ng Holy Infant Parochial School sa Parokya ng Banal na Krus, Sta. Cruz, muling lumuwas ng Maynila ang 14 na estudyante at dalawang guro ng HIPS kasama ang director ng paaralan na si Reb. P. Jovin Grimaldo noong Disyembre 1 para sa 4 na araw na Caroling sa ilang institusyon at grupo ng benefactors.

Naghandog din ng mga awiting pamasko ang mga bata sa Intercontinental Hotel, Makati, sa pagdiriwang ng Christmas Party ng Chevron at Philippine Transmarine Carriers (PTC) tanda ng pagpapasalamat sa pagkakaloob ng 2 silid-aralan noong nakaraang taon ng nabanggit na mga ahensya kasama ang Northern Marine Manning Inc.