Kasalang bayan, ginanap sa parokya ni San Jose, Manggagawa

Isang kasalang bayan ang ginanap sa parokya ni San Jose, Manggagawa, Napo, Sta. Cruz, Marinduque noong ika-15 ng Disyembre 2011 sa ganap na ika-8 ng umaga. May 35 pares ang ikinasal ng kura paroko, Reb. Padre Jovin Grimaldo. Isa itong gawain upang ang mga nagsasama nang matagal na at ang mga nais magpakasal ay maikasal ng libre at walang babayarang anuman. Sumailalim sa isang recollection- seminar ang mga kakasalin bago sumapit ang mahalagang araw sa kanilang buhay. Ito ay pinangunahan ni Br. Momay Mayo mula sa Family and Life Commission ng ating Diyosesis.