Sana Sarili Muna

Noong nakaraang Pasko kaming magkakapatid ay nagkaroon ng reunion sa bahay ng niece ko sa Greenwood Subd. sa Pasig City. We were so lucky ang dami naming natanggap na cash gift mula sa aming mga anak, at mga pamangkin. Nagyaya tuloy ang sis ko na mamili kami sa Clark Air Base upang magkaroon ng souvenir mula sa mga papasko sa amin. But I am adamant to go. I had so many reasons. Magpapa-check up ako, magpapa-blood chem., bibili ng maintenance. But they were so insistent. Kahit mag window shopping na lang daw ako. Magaganda daw ang mga bilihin, mura, imported at good quality doon sa Puregold Duty Free sa Clark. Baka daw may magustuhan ako. I don’t want to disappoint them. Sumama ako for a change of environment lang. I’ve already outgrown that mania of buying material things.

“Auntie, hindi ka po pala mamimili, pakibili na lang po ng 12 pieces of Toblerone, yong malalaki.” “Ano? Gusto mo bang maging member ng media?” Pagulat kong tanong. “Anong media”? Yong press people, newscaster? Iyon ba”?, tanong niya. “ Hindi!” sagot ko.” Media, mediabetes. Sa dami ng tsokolate na pinabibili mo, tiyak diabetes ang bagsak mo.” Paliwanag ko naman. “Auntie, pang give-away ko po iyon,” “Di ba marami diyan sa SM Megamall, bakit doon ka pa magpapabili sa Clark Air Base?” Sambot ko uli. “ Iba syempre doon, Stateside at dollar ang price. Kaya social ka.” “ay naku, may pagka-colonial mentality pa rin itong niece ko,” bulong ko na lang.

Bakit nga kaya tayong mga pinoy believe na believe sa mga imported at stateside na bagay. Wala tayong believe sa sariling atin. Ang ating Marikina shoes, slippers, belt at mga bags, they are far better than those imported ones. Pero mas priority natin ang galing abroad. Kaya nga kahit sa ukay-ukay pa, mas gusto nila ito kaysa sa local brand new kasi may etiketa na US-made. Why not patronize our own product na lang kaya. Mahilig talaga tayo sa Taste.

But if you analyze, ang Pilipino ay hindi pahuhuli. Sikat yata ang Pinoy. Meron tayong pambansang kamao, si Manny Pacquiao at Nonito Donaire. Mga singers tulad nina Lea Salonga, Charisse Pempengco, Maria Aragon. Mga Olympic games champions, Paeng Nepomoceno, sa bowling at Efren “bata” Reyes sa Billiard. Recent runner-ups ng Miss Universe title Venus Raj at Shamcey Supsup at iba pang mga past beauty title holder like Gloria Diaz, Gemma Cruz, Aurora Pijuan, Margie Moran and many other more. Saka ang ating bansa, Pearl of the Orient Sea. Maganda ang mga tanawin pero bakit mas gusto natin ang pumunta sa abroad samantalang di pa man lang natin nalilibot ang ating bansa.

Ganoon nga yata talaga. Palagi tayong malayo ang tingin. Kaya hindi natin nakikita ang ating sarili. Tulad din ng ating kamalian. Mas nakikita natin ang mali ng iba kaysa sa sarili nating mali. We seemed to be perfect and become judgemental to others. We find fault, but our own fault, we ignore. Sabi sa isang awitin ni Nonoy Zuniga, “Bago mo linisin ang dungis ng iyong kapwa, hugasan ang putik sa iyong mukha. Kung ano ang di gusto, huwag gawin sa iba”. Kasi wala tayong self-honesty. Mahilig tayong mag-pinpoint. Di natin alam na sa pag-pinpoint, 3 fingers pointed to us and only one finger to them. Marahil it’s about time to use the Arithmetic in our life. Subtract pinpointing and condemning others. Add compassion, kindness and sympathy in ourselves. Divide and share our blessings and talents to others to multiply our good deeds. In these ways we can be righteous and become pleasing to God. Sang-ayon kay Mt. 7:3, “Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang puwing mong gatahilan sa iyong mata”?