800 Lay Ministers, nagpanibago

Nagsagawa ng taunang pagpapanibago sa tungkulin ang humigit-kumulang sa walong daang (800) lay ministers ng buong Diyosesis ng Boac (acolytes, lectors and commissioned readers) noong unang araw ng Oktubre, 2011 na ginanap sa Katedral ng Inmaculada Concepcion. Ang pagpapanibago ay ginawa sa loob ng Banal na Misa na pinamunuan ng Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, D.D, Obispo ng Boac, kasama ang mga Kura Paroko ng 14 na Parokya ng Diyosesis. Mayroon ding ilang mga bagong acolytes, lectors at commissioned readers na nanumpa sa kanilang tungkulin.

Pagkatapos ng Banal na Misa ay nagbahagi ng kaalaman tungkol sa Banal na Pagdiriwang si Rdo. Padre Ian R. Retardo, Assistant  Director ng Diocesan Commission on Liturgy.  Gayundin, ibinahagi naman ni Gng. Rosalinda S. Diaz, bagong halal na Pandiyosesis na Tagapangulo ng Commission on Worship, ang liturgical conference na kanyang dinaluhan sa San Carlos Seminary, Makati City noong Marso 15-17, 2011 tungkol sa Spirituality of Lay Liturgical Ministers, na kung saan ang mga Tagapagsalita ay sina Rdo. Padre Anscar J. Chupungco, OSB ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy at Rdo. Padre Genaro O. Diwa, SLL ng Archdiocesan Liturgical Commission Manila.