Sem. Magcamit at Rev. Arias, tatanggap ng Banal na Orden

Boac, Marinduque- Pormal na ipinahayag ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista ang mga mahahalagang petsa ng ordinasyon sa diyosesis para sa mga magiging bagong lingkod ng sambayanan.

Unang igagawad ang Sakramento ng Banal na Orden ng pagka-diyakono kay Sem. Wilfredo Magcamit Jr. sa Katedral ng Boac sa darating na Mayo 20, sa ika-3:00 ng hapon. Tatanggapin naman sa hanay ng mga kaparian si Reb. Rodolfo Arias Jr. Siya ay tatanggap ng Orden ng Pagkapari sa darating na Hunyo 7, ika-9:00 ng umaga sa Parokya ng Banal na Krus.

Si Sem. Magcamit ay mula sa Parokya ng Mahal na Birhen Mapag-ampon ng mga Kristiyano sa Balimbing, Boac. Si Reb. Arias naman ay tubong Buyabod, Sta. Cruz. Ang dalawang nabanggit na oordenan ay kapwa nagtapos ng teolohiya sa St. Alphonsus Regional Seminary sa lungsod ng Lucena.