100 taon, ipinagdiwang ng Archdiocese of Lipa

Lipa City- Ginunita ng Arsidiyosesis ng Lipa ang ika- 100 taon ng pagkakatatag ng kanilang Diyosesis (Centennial Jubilee- Abril 10, 1910- April 10, 2010) sa pamamagitan ng isang buong taong selebrasyon na nagtapos noong Abril 12, 2011 sa pamamagitan ng isang Solemneng Pagdiriwang ng Banal na Misa na pinamunuan ng Arsobispo ng Lipa Gaudencio Rosales kasama ang mga bisitang Obispo sa San Sebastian Cathedral.

Ang isang buong taong selebrasyon ay kinapapalooban ng ibat ibang gawaing pang- ispiritwal na nagbigay dim sa nabanggit na pagdiriwang. Noong 1910 ganap nang naging isang Diyosesis ang Lipa.

Ang Arsidiyosesis ng Lipa ay siya ring Mother Diocese ng Boac, Lucena, Mindoro, Laguna at ng Prelatura ng Infanta.