Fr. Isagani, pormal na tinanggap sa Diyosesis

Ganap nang pari ng Diyosesis ng Boac si Reb. P. Isagani Milambiling matapos ang pormal na pagtanggap sa kanya ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista noong Pebrero 15, 2011. Isinagawa rin niya ang panunumpa bilang miyembro ng Kaparian ng Diyosesis sa harap ng Obispo at mga kapatid na pari.

Binasa din ni Fr. Elino Esplana, Chancelor, ang Decree of Appointment upang maging Katuwang na Lingkod Pari sa Parokya ni San Isidro Labrador, Mogpog. Si Pdre. Isagani ay unang naglingkod sa diyosesis ng Sorsogon bago bumalik sa sinilangang bayan ng Mogpog.