Konsiyerto, Handog- parangal kay Maria

Malibago, Torrijos – Ika-5 ng Pebrero 2011, Sabado, nagtanghal ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Malibago, Torrijos ng isang konsiyerto na pinamagatang “Handog-Parangal kay Maria, A Variety Show”.

Nagpakita ng mga natatanging talento sa pag-awit at sayaw ang mga kabataan ng parokya kasama ang mga kaparian ng Bikarya ni San Bernardo na sina Reb. P. Eulogio Mangui, Reb. P. Saturnino Rioveros at Reb. P. John Jovel Luna. Ito ay alay sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Lourdes ang patron ng parokya sa direksyon ng katuwang na Lingkod Pari na si Reb. P. Christian Francis. T. Regencia.
Ang nasabing pasinaya ay kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng parokya noong ika-11 ng Pebrero 2011. Naging magandang pagkakataon din ang pagtatanghal para sa pangangalap ng pondo sa kasalukuyang pagpapagawa ng simbahan ng parokya.

Sa huling bahagi ng pagtatanghal isinagawa ang pagkilala kay Reb. Mons. Ramon M. Magdurulang, ang Lingkod-pari ng parokya na nagdiwang ng kanyang ika-63 taong kaarawan ng araw ding iyon.

Ang pagtatanghal ay dinaluhan ng mga mananampalataya   mula sa   iba’t ibang parokya  ng   diyo-sesis at ng mananamapalataya sa nasabing parokya.