60 taon, ipinagdiwang ni Fr. Bong

Enero 27, 2011, masayang ipinagdiwang ni Reb. Bienvenido “Bong” Marticio ang kanyang 60th Birthday sa Parokya ng Banal na Krus, Sta. Cruz. Isinagawa niya ang kanyang Misa Pasasalamat sa ganap ika-10:00 ng umaga. Sinundan ito ng isang Putong na ginampanan ng mga empleyado ng Munisipyo.

Nagkaroon din ng simpleng programa bilang parangal sa may kaarawan kasabay ng isang sabo-salo sa lumang kumbento ng parokya.