Kasalang Bayan sa Poras

Poras, Boac, Marinduque – Masaya at naging makabuluhan ang araw na mga puso sa Parokya ng Mahal na Puso ni Hesus ngayong 2011, kung saan ay tinanggap ng mga mag-sing irog na nagsasama ng limang (5) taon pataas na hindi pa naikakasal sa simbahan ang bendisyon noong ika-13 ng Pebrero 2011.  Labinsiyam (19) na pares ang nabiyayaan nito bilang bahagi ng magkatuwang na proyekto ng Parish Pastoral Council at Pamahalaang Bayan ng Boac.

Ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa ganap na ika-2:00 ng hapon ay pinangunahan ng lingkod pari ng parokya na si Reb Padre Joseph Ian Retardo. Binigyang diin sa homiliya ang halaga ng sakramento ng kasal na dapat tanggapin ng babae at lalaki upang maging ganap ang kanilang pagsasama.

Isang munting programa ang isinagawa habang nagsasalu-salo ang mga pares sa mga pagkain na inihanda ng Pastoral/Barangay Pastoral Council sa social hall ng nasabing parokya. Naging panauhing pandangal ang butihing alkalde ng bayan ng Boac, Mayor Roberto Madla na nagbigay ang pananalita hinggil sa pangkabuhayang agrikultural gayon din ang libreng benepisyo para sa mga bagong kasal na tinalakay naman ni Gng. Dahlia Jandusay – pinuno ng Local Civil Regristrar Office ng Boac.

by: Sis Eden M. Labicane
Parokya ng Banal na Puso ni Hesus