4th Diocesan Holy Childhood Association Celebration sa Poras,matagumpay na naidaos!

Matagumpay na naipagdiwang ang ika-apat na DIOCESAN HOLY CHILDHOOD ASSOCIATION CELEBRATION noong ika 29-30 ng Enero sa parokya ng Mahal na Puso ni Hesus sa tulong at paggabay ng mga katekista,mga volunteers at ng lingkod-pari ng parokya na si Reb. Padre Joseph Ian Retardo.
Nilahukan ito ng 357 na kabataan mula sa iba’t ibang parokya. Pansamantala  nilang naging tirahan sa loob ng isa’t kalahating araw ang Mababang Paaralan ng Poras.Nagsimula ito sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat ng mga kalahok.Nagkaroon din ng parada.

Kinagabihan,nagkaroon ng bonfire lighting at mga presentasyon na inihanda ng iba’t ibang pangkat sa tulong ni Bro. Momay,Bro. Gerry, Sis. Rachel at ng mga katekista.

Nagkaroon din ng mga gawain sa parokya tulad ng meditative rosary, bible quiz at marami pang iba.
Lubos naman ang kasiyahan sa paaralan ng Poras.Nagkaroon ng iba’t ibang palaro tulad ng tandem sack race, palosebo,kadang-kadang ,tug of war atbp.

At nagtapos ang programa sa pamamagitan ng selebrasyon ng banal na misa sa pamumuno ni Reb. Padre Senen Milambiling kasama ang lingkod pari ng parokya ng Mahal na Puso ni Hesus.

Layunin ng programa nag gawing misyunero ang mga kabataan at maging kaagapay ng Simbahang Katoliko sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Gianinna Elaine M. Labicane, NewsCor
Sacred Heart of Jesus Parish