Sem. Rodolfo “Joedy” Arias, inordinahang Diakono

Sta. Cruz, Marinduque – Muling naggawad ng Orden ng Pagka-diyakono ang Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista kay Sem. Rodolfo “Joedy” Arias Jr. sa parokya ng Banal na Krus sa Sta. Cruz, noong ika-l9 ng Nobyembre 2010. Ang pagdiriwang ng banal na Orden ay nagsimula sa ganap na ika 3:00 ng hapon. Dinaluhan ito ng kaparian ng diyosesis ng Boac, mga bisitang pari mula sa Arsidiyosesis ng Lipa at Diyosesis ng Lucena sa pangunguna ng mga paring tagapaghubog ng Seminaryo Rehiyonal ni San Alfonso. Nakiisa rin sa pagdiniwang ang mga layko mula sa mga barangay na sakop ng Parokya at iba’t ibang parokya ng diyosesis.

Higit naming naramdaman ang solemneng pagdiriwang sa pamamagitan ng mga liturhikong awitin na inihandog ng mga seminanista mula sa Seminaryo Rehiyonal ni San Alfonso na nakasama ng bagong orden na diyakono noong siya ay kasalukuyang ‘nasa paghuhubog sa loob ng seminaryo. Ang pagdiriwang ay nagtapos sa ganap na ika-5 ng hapon.

Si Reb. Joedy ang ikalawang inordenang diyakono sa diyosesis ngayong taong 2010. Siya ay kasalukuyang naglilingkod sa kanyang pinagmulang Parokya ng Banal na Krus.