Pagtatalaga ng Shrine, tampok sa araw ng kapiyestahan

Boac, Marinduque — Simple ngunit masayang ipinagdiwang ng Diyosesis ng Boac ang Pista ng Mahal na Birhen ng Biglang-awa kasabay ang pagtatalaga ng shrine o dambana nito noong Nobyembre 11, 2010. Nagsimula ang pagdiriwang sa ganap na ika8:00 ng umaga sa pangunguna ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, DD. kasama ang ilang mga pari ng diyosesis.

Sa kanyang homiliya, ipinahayag ng Obispo ang taos-pusong pasasalamat sa Diyos sa biyayang maisaayos muli at mapaganda ang nasabing shrine upang maging sentro ng pagpaparangal sa Mahal na Birhen ng Biglang-awa. Makatutulong din aniya ang bahay-dalanginan upang matugunan ang pangangailangang-espinitwal ng mga mananampalataya lalot higit ng mga nagdedebosyon sa Mahal na Birhen.

Pormal namang nagpasalamat ang Rector ng Shrine na si Reb. Pdre. Pepito Perilla sa lahat ng dumalo at nakiisa sa pasinayang ito.