Araw ng Katekesis, ipinagdiwang

Oktubre 23, 2010 – Idinaos ang pandiyosesis na araw ng katekesis na may paksang: Catechesis by the Famy, with the Family and for the Family na dinaluhan ng 552 na katekista mula sa iba’t ibang parokya ng buong Diyosesis. Pinasimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, DD, obispo ng Boac, kasama ang ilang kaparian ng diyosesis.

Binigyang diin sa homiliya ng Obispo ang mahalagang gampanin ng mga magulang bilang pangunahing katekista ng kanilang mga anak. Kaugnay nito ay ipinaliwanag niya ang nilalaman ng RH Bill at mga dahilan ng pagtutol ng Simabahan sa usaping ito. Kaya’t siya ay nag-iwan ng isang hamon sa lahat ng mga katekista, “maging maliwanag sana sa inyo ang pagtatanggol sa buhay at inaasahan ko na maituro ninyo ito sa iba”.

Binigyang diin naman ng tagapagsalita na si Reb. Padre Fabio Fiegalan ang ilang mahahalagang nilalaman ng Familiaries Consorcio, ang plano ng Diyos sa pag-aasawa at pamilya.

Higit pang pinasaya ang pagdiriwang sa surpresang bilang na ipinamalas ng mga coordinators.

Catequiz ang isa pang pinakamahalagang Gawain sa pagdiriwang na nilahukan ng 14 na mga bata mula sa iba’t ibang parokya. Ang mga nagwagi mula ay sina, Jhudiel Clara Sosa (3rd) mula sa Inmaculada Conception Parish, Ronnel Nolos (2nd) mula sa San Isidro Labrador Parish, at French Alfred Maaño (1st) mula naman sa Sacred Heart Parish.

Ito’y sinundan ng pagbibigay ng gantimpala sa lahat ng mga nakilahok at nagwakas sa pasasalamat at pagpaala-ala ng Director sa mga latekista na ang Catequiz ay taun-taon ng isasagawa sa tuwing magdiriwang ng Pandiyosesis na araw ng katekesis.

-Isinulat para sa Pulso News ng DFC