Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, Malibago, Torrijos

Dahil sa nakikitang unti unting pagdami ng mga mananampalataya sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, napagkasunduan ng Parish Pastoral Council, Parish Finance Council at ng Lingkod Pan ng Parokya na si Reb, Mons. Ramon Magdurulang at Reb. P. Christian Francis Regencia (Katuwang na Lingkod Pan) sa kapahintulutan ng Obispo Reynaldo G. Evangelista ang pagpapagawa ng kaliwang bahagi ng simbahan kasama ang pagsasaayos ng bubong ng buong simbahan. Noong ika-4 ng Oktubre 2010 sinimulan ang proyektong ito sa pamamagitan ng isinagawang bayanihan.