14 na parokya, nakiisa sa ika-5 anibersaryo ng Pondo ng Pinoy

Masayang naidaos ang ika-5 anibersaryo ng PONDO NG PINOY noong ika-9 ng Oktubre 2010 sa Parokya ni San Jose Esposo ni Maria, Gasan, Marinduque. Ika – 8:00 ng umaga, sinimulan ang parada sa buong poblacion na dinaluhan ng mga kalahok mula sa labing apat na parokya. Ito ay sinundan ng Banal na Misa sa pangunguna ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista kasama ang mga kaparian ng diyosesis. Sa homilya ng Obispo, binigyang-diin niya na isang napakalaking pagpapala ang Pando ng Pinoy sapagkat sa pamamagitan nito ay naisasakatuparan ang layunin na nasasaad sa dekreto ng Unang Sinodo ng Diyosesis ng Boac noong taong 2003. Isa na rito ay ang magtatag ng isang Foundation na mangingilak at tatanggap ng mga donasyon at siyang magsisilbing daluyan ng tulong para sa mga dukha (no.144).

Kanya ring naiulat na ang diyosesis ay nabiyayaan na ng mahigit 5 milyong piso para sa kabuuang proyekto ng Diyosesis. Patuloy na nananawagan ang minamahal Obispo na makisangkot at makiisa ang bawat isa sa programa rig PnP.

Ilan sa mga proyekto ng PnP na kanyang banggit ay ang livelihood programs gaya ng pagkakaroon ng mga Green House sa pangangalaga ng BPK units na matagpuan sa Brgy. Masiga, Gasan at Brgy. Caganhao, Boac at Hapag-asa Feeding Program o pagpapakain mga malnourished na bata sa buong diyosesis.

Isinagawa rin sa nasabing okasyon ang Song Interpretation Contest na kinabibilangan ng labing apat na grupo ng mga bata mula sa labing apat na parokya. Nagwagi sa patimpalak ang Parokya ng Inmaculada Concepcion (Boac). Pumangalawa naman ang Parokya ng Mahal na Birhen rig Loudes (Malibago, Torrijos) at nakuha ng Parokya ng Mahal na Birhen rig Guadalupe (Matuyatuya Torrijos) ang ikatlong pwesto.

Natapos ang pagdiriwang sa ganap na ika 3:30 ng hapon.