4th World Mission Sunday celebration kinatampukan ng mga pamilyang migrante

Boac, Marinduque – Matagumpay na ipinagdiwang sa Diyosesis ng Boac ang pandaigdigang Linggo ng Misyon o World Mission Sunday, noong Oktobre 16, 2010, Catedra1. Ito ay sa pagtutulungan ng Komisyon ng Misyon, Migrante at ng Pamilya at Buhay.

Ang pagdiriwang ay may temang, “Building Ecclesial Communities, is the Key to the Mission” na nakatuon sa mga pamilya ng migrante na siyang naging panauhin sa nasabing okasyon.

Layunin nito ang tipunin, kilalanin, pagbuklurin at palalimin ang kamulatan ng bawat pamilya sa misyon ng simbahan at mag-alay ng sakripisyo at panalangin para sa mga misyonero.

Binigyang-linaw ni Reb. P. Edwin Sager, (Direktor ng Komisyon ng Migrante), ang kalagayan ng mga migrarite at pamilya nito at nag-iwan ng malaking hamon kung paano pa higit na pasisiglahin ang kanilang buhay at paggawa at pakikiisa sa misyon ng Simbahan. Nag-ulat din si Reb. P. Ian Retardo (Director ng Misyon) ng ilang mga bagay tungkol sa kalagayan ng buhay misyon ng diyosesis.

Nagtapos ang pagdiriwang sa pag-aalay ng Banal na Misa para sa mga misyonero at mga migrante na pinangunahan ng Lub. Kgg. Reynaldo G. Ebangelita, DD.