Fr. Jovel, bagong lingkod-pari ng Buenavista

Buenavista, Marinduque – Isang bagong misyon ang tinanggap ni Reb. P. John Jovel Luna upang pamahalaan ang nabakanteng parokya ng Sto. Nino sa Buenavista noong Setyembre 11, 2010. Siya ang naging kahalili ni Reb. P. Clodualdo Serdeña na kasalukuyang nasa St. James the Great Parish, Ayala Alabang kasabay ng kanyang pag-aaral ng Liturhiya sa lungsod ng Maynila.

Si Fr. Jovel din ang itinalagang bagong director ng Holy Child Jesus Parochial School sa nabanggit na bayan.