Green Houses, binasbasan

Caganhao, Boac – Pormal ng inilipat ang pamamahala ng mga Green Houses sa Diyosesis ng Boac. Binasbasan ng Lubhang Kgg. Reynaldo Evangelista, Obispo ng Boac at pinasinayahan ang mga bagong tayong Green Houses sa Baranggay Caganhao-Boac at Masiga-Gasan noong ika-8 ng Oktubre 2010.

Pinangunahan ito ng Programang Sustainable Agriculture na pinamamahalaan ni G. Herman Sosa sa ilalim ng Diocesan Social Action Commission at sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Agrikultura sa pamamagitan ni G. Celso Olido ang Chief of Staff ng DA Region 4B, National Agribusiness Corporation sa pangunguna nina Bb. Elvira Roseph Castelo – NABCOR Vice President, Bb. Melody de Guzman-NABCOR Manager, Bb. Katrina Feliciano at ng MANNA-LIG Agri-Industrial Supply & Support Corp. sa pangunguna ng mag-asawang Manuel at Ma. Corazon Manaligod.