Pagpapanibago at pagpaparangal sa mga akolito, naging matagumpay

Boac, Marinduque – Ika-25 ng Setyembre 2010, Sabado isinagawa ang pagpapanibago ng mga akolito at lektor ng diyosesis at itinalaga rin ang mga bagong kasapi nito. Ang pagdiriwang ay isinagawa sa loob ng Banal na Misa sa ganap na ika-9:00 ng umaga. Sa kanyang homiliya lubos na pinasalamatan ng Lubhang Kgg. ReynaldoG. Evangelista ang mga lay ministers sa kanilang dedikasyon at pagpapahalaga sa kanilang ministeryo bilang katuwang ng mga lingkod pari sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at pagpapahayag ng Mabuting Balita sa bawat sityo at barangay ng l4 na parokya.

Sa loob din ng pagdiriwang isinagawa ang pagkilala sa mga akolito at lektor na naglingkod sa looban ng 15 taon sa pangunguna ng bagong itinalagang Direktor ng Liturhiya na si Reb. P. Milliemar Perin. Umabot sa 600 lay ministers ang dumalo sa pagdiriwang.