Parish Secrataries, sumailalim sa pagsasanay

Boac, Marinduque – Sumailalim ang dalampu’t walong Parish Secretaries mula sa iba’t ibang parokya ng diyosesis sa pagsasanay hinggil sa kanilang gawain at responsibilidad sa kani-kanilang parokya. Ginanap ito sa Sentro Pastoral ng Diyosesis noong ika-15 at 16 ng Setyembre 2010.

Naging tagapagsalita sa nasabing pagsasanay sina Gng. Dalia Jandusay, Reb. P. Elino Esplana, Reb. P. Arvin Madla, Reb. P. Senen Milambiling at G. Tony Zoleta.

Ikinagalak naman ng Lubhang Kgg. Reynaldo Evangelista, Obispo ng Boac ang nasabing pagtitipon-tipon ng mga Parish Secretaries. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng mga gawain at kabanalan ng mga laykong patuloy na naglilingkod sa Simbahan. Pinangunahan din ng mahal na Obispo ang banal na pagdiriwang ng misa sa huling araw ng pagsasanay.