Family Bible Encounter, ginanap sa Katedral ng Boac

Boac, Marinduque – Nagsagawa ang Komisyon ng Apostolado sa Bibliya ng Diocesan Family Bible Encounter sa Katedral ng Inmaculada Concepcion, Boac, Marinduque noong ika-28 ng Agosto, 2010. Ito ay sa pakikipagtulungan ng CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate (ECBA), Philippine Bible Society at Power to Unit Catholic Family Bible Group, Inc. Ang nasabing pandiyosesis ng pagtitipon at paligsahan ay paghahanda na rin sa Pangrehiyong Family Bible Encounter.

Ang Gawain ito ay may temang “The Word of God Calls Us to be Caring Stewards of Creation.” Nagkaroon naman ng malalim na ugnayan ang bawat pamilyang kalahok mula sa labing apat (14) na parokya ng buong Diyosesis.

Tinanghal na kampyon ang pamilya nina Bro. Boy at Tita Mameng mula sa Parokya ng San Raphael Arkanghel, Cawit. Sila rin ang kakatawan sa pangrehiyong pagtitipon at paligsahan na gaganapin sa Ligazpi City, Albay ngayong taon.