Diocesan Journalism Workshop-Seminar, naisakatuparan

Sta. Cruz, Marinduque – Naisakatuparan ang Seminar on Basic News Writing and Electronic Media sa pangunguna ng Diocesan Social Communications Commission sa Parokya ni San Jose ang Manggagawa, Napo, Sta. Cruz, Marinduque noong Pebrero 4, 2012. Dinaluhan ang nasabing seminar ng 38 kinatawan mula sa iba’t-ibang parokya ng diyosesis. Pinangunahan ito ng tatlong pari na […]

Pagpupulong ng DCLM, matagumpay na idinaos

Torrijos, Marinduque – Matagumpay na idinaos ang pagpupulong ng Diocesan Committee on Liturgical Music noong Pebrero 4, 2012 sa Parokya ni San Ignacio ng Loyola, Torrijos, Marinduque na dinaluhan ng mga Chairmen ng Music Ministry, Instrumentalists, at Psalmists mula sa labing-apat (14) na Parokya ng Diyosesis. Layunin ng pagpupulong ang muling pagsasanay at pag-aaral ng […]

Testimonial Dinner, matagumpay

Malibago, Torrijos -Matagumpay ang isinagawang Testimonial Dinner sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, Malibago. Torrijos, Marinduque noong Pebrero 3, 2012 na dinaluhan ng Obispo at mga pari ng diyosesis gayundin ng iba’t-ibang bisita mula sa ibang parokya. Nagkaroon ng ganitong gawain bilang pagdiriwang ng ika-30 taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya. Bilang pagtanaw […]

Parokya ng Batang si Hesus, nagdiwang!

Masayang ipinagdiwang ng mga parokyano ng Batang si Hesus sa Buenavista, Marinduque ang kanilang kapistahan noong Enero 19, 2012. Pinasimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng tradisyunal na “Diana” na pinangunahan ng brass band mula as Mogpog. Pagkatapos nito, ipinagdiwang ang Banal na Misa sa pangunguna ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, Obispo ng Boac kasama […]