Diocese of Boac

Ika-128 piyesta ng parokya ni San Ignacio, masayang ipinagdiwang
Torrijos, Marinduque – Noong Hulyo 31, 2010 ipinagdiwang ng bayan ng Torrijos ang ika-128 taong kapistahan ni San Ignacio ng Loyola. Naging paksa ng pagdiriwang ang “San Ignacio: iluwaran ng Sambayanan sa Katapatan sa Pagsasabuhay ug Salita ng Diyos.”

Hulyo 30, 2010 isinagawa ang maringal na prusisyon ganap na ika-5:00 ng hapon. Pinangunahan ng Bikaryo Heneral, Rdo. Msgr. Ramon Magdurulang ang Misa Concelebrada sa kaarawan ng piyesta kasama ang kaparian ng diyosesis. Si Rdo. James Janda naman ang naatasang magbigay ng homiliya.

Sa isang simpleng na seremonya sa bob ng Banal na Pagdiriwang, itinalaga ang bagong pamunuan ng Hermanidad para sa taong 2011. Inilipat nina G. at Gng. Sixto at Emily Jao ang katungkulan ng Hermano at Hermana Mayor sa susunod na taon kina G. at Gng Senen at Peñafrancia Pedrigal. Magiging kaagapay nila ang mga nahirang na Hermano at hermana Menor na sina G. Eleuterio Apostol at Gng. Aida Marquez; G. Andres Revilloza at Gng, Rosita Hernandez; G. Froilan Quintero at Gng. Elena Peñaflor; at G. Jaime Gujelde at Gng. Maribeth Planas.

Isang na salu-salo para sa Kaparian at sa sambayanan ang ginanap sa kumbento ng parokya. Kaagapay ng mga Hermano at Hermana Mayor ang masisipag na mga Hermano at Hermana Menor ng bawa‘t Cluster ng mga Barangay na sina G. Leopoldo Ilagan at Gng. Sonia Villalva; G. Sabino Rocha at Gng. Lucia Riego; G. Bernardo Andrade at Gng. Erlinda Ramiro; at G. Vicente de Galicia at Gng. Lorna Gutirrez.

(Contributor: Bro. Jherlomeo Lagustan)

Kasalan at Binyagang-bayan, isinagawa sa Parokya ni San Ignacio
Torrijos, Marinduque – Hulyo 17, 2010, idinaos aug pangalawang Kasalang Bayan ng taon sa Parokya ni San Ignacio, Torrijos. Sa ganap na ika-2:00 ng hapon, tatlumpo at isang (31) mag-asawahan ang humarap sa dambana upang pagtibayin sa Sakramentong Kasal ang kanilang pagsasama at pag-iibigan. ito ay pinamunuan ni Reb. Pdre. Fabio Fiegalan, ang lingkod-pari ng Parokya.

Matapos ang seremonya ng kasal, iginawad naman ng katuwang na lingkod-pari na si Reb. Pdre. Martin Puertollano Jr. ang Sakramento ng Binyag para sa mga anak ng mga ikinasal.

Unang isinagawa ang Kasalang Bayan noong Abril 17, 2010 kung saan dalawampu’t walong (28) mag-asawahan ang nabiyayaan ng nasabing sakramento. Ito ay bunsod ng lumalawak at nakababahalang bahagdan ng mga batang binibinyagan sa Parokya na ang mga magulang ay nagsasama na ng matagal ngunit hindi kasal o kaya naman ay kasal ng sibil lamang.

Dahil dito, minarapat ni Padre Fabs na ang Kasalang Bayan ay maging isang ermanenteug bahagi na ng pamparokyang gawain na idaraos sa parokya sa buong taon. Itinakda aug susunod sa Oktubre 27,2010.

(Contributor: Jherlo Lagustan)

Mga katekista ng ICP, sumailalim sa Refresher Course at Recollection
Boac, Marinduque – Mga katekista ng ICP, sumailalim sa Refresher Course at Recollection. Nagsagna ng Refresher Course ang mga katekista ng parokya ng Inmaculada Concepcion noong Hunyo 24. Pinamunuan ito ni Gng. Greg Mavo, ang Diocesan Program coordinator. Binigyang-din sa nasahmg pagsasanay malalim na kahulugan ng “Commitment” at ang kahalagahan ng tungkulin at apostolado ng mga katekista na may kalakip na pagbabasa ng Biblia araw-araw. Ininunod naman ang kanilang Sending-off noong Hunyo 27 sa pangunguna ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista.

Bago tuluyang magturo, sumailalim din sila sa isang recollection noong Hulyo 5 sa paggabay ni Reb. Pdre. Milliemar Perin.

(Contributor: Gng. Flor Siazon)

Pamparokyang pagtitipon ng BPK sa Gasan, isinagawa
Uploading…. Check back soon… Thank you!

BPK Assembly sa parokya ni San Jose Manggagawaga
Uploading…. Check back soon… Thank you!

2,050 kasapi ng SSJMV, dumalo sa pandiyosesis na pagdiriwang
Balanacan, Mogpog – Ika-8 ng Agosto 2010 araw ng Linggo sa ganap na ika-1:00 ng hapon isinagawa ang Ikawalong Taunang Pagtitipon ng Samahan ni San Juan Ma. Vianney(SSJMV) sa Parokya ng Our Lady of Peace and Good Voyage sa Balanacan, Mogpog. Ito ay dinaluhan ng dalawang libo’t limampung (2,050) kasapi mula sa labing-apat na parokya ng diyosesis.

Ang nasabing pagtitipon ay sinimulan sa isang natatanging panalangin na inihandog ng Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Choir. Ito ay sinundan ng pambungad na pananalita na ginampanan ng Lingkod Pari ng host parish na si Reb. P. Sherwin Apostol. Dito kanyang tinanggap ang SSJMV at binati ng taos pusong pasasalamat sa kanilang pagsasagawa ng taunang pagtitipon sa parokya sa Balanacan.

Agad naman itong sinundan ng pag-uulat ng Kalihim ng SSJMV na si Sis. Amper Regio at ng Pangulo ng SSJMV na si Dr. Tito Rejano. Sa pananalita ng pangulo ng SSJMV, kanyang iniulat ang katalayuan ng samahan. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 6,574 kasapi at umabot na sa mahigit tatlong milyong piso ang pondong naipon ng Samahan. Binigyang diin rin niya ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng bawat pari sa mga pamunuan ng SSJMV sa bawat parokya. Ipinagbigay alam din niya na bukas ang pamunuan upang dumalaw sa bawat parokya para sa pagtuturo sa mga tao tungkol sa kahalagahan ng SSJMV sa buong diyosesis lalo’t higit sa mas lalong ikatataguyod at ikauunlad ng buhay ministeryo ng mga kaparian.

Sa pananalita ng Spiritual Director ng Samahan na si Reb. Mons. Ramon Magdurulang, nabanggit niya ang malaking tulong na nagagawa ng samahan sa buhay ng pari partikular sa kanyang karanasan. Ito ay sinundan ng pananalita ng Lubhang Kagalanggalang Reynaldo G. Evangelista, Obispo ng Boac. Ayon sa kanya, ang SSJMV ay isang malaking sambayanang nagdarasal sa bawat isa lalo’t higit sa kapakanan ng kaparian ng diyosesis. Aniya: “Ang SSJMV ay malaking puwersa na nagibigay inspirasyon sa amin…. Huwag tayong titigil sa pagtulong sa mga pari. Siksik liglig at umaapaw ang matatanggap natin mula sa Diyos…. Ang samahang ito ay mula sa Diyos kung kaya madaling dumami ang bilang ng mga kasapi. Ito ay malaking biyaya ng Diyos sa atin…”

Ipinagbigay alam din ng Obispo sa mga kasapi ng samahan na malaki ang naitutulong ng pondo na nakalap para sa on-going formation ng kaparian. Kapag naging sapat na ang halaga na target ng SSJMV ay unti unti nang tatanggalin ang arancel sa buong diyosesis.

Matapos ang pananalita ng Obispo, ang pagtitipon ay sinundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa kasama ang kaparian ng diyosesis. Pagkatapos nito agad namang tumungo ang mga nagsidalo sa Balanacan Elementary School para sa isang malaking salu-salo na inihanda ng host parish. Isinagawa rin ang isang natatanging putong na inihandog ng Mogpog Municipal Employees bilang parangal sa kaparian at sa Patron ng mga pari na si San Juan Ma. Vianney. Kasabay nito ay ang pagbibigay ng regalo ng bawat barangay na sakop ng parokya sa mga paring pinutungan. Ang masayang pagtitipong ito ay natapos sa ganap na ika-apat at kalahati ng hapon.

PnP matagumpay na inilunsad
Sta. Cruz, Marinduque – Masayang nagdaos ng paglulunsad ng programang Pondo ng Pinoy ang Parokya ng Banal na Krus noong Hulyo 24. Ito ay may temang “Sa Pondo ng Pinoy, may kaunlaran at kinabukasan ang mga batang mababa ang timbang.” Dinaluhan ito ng Sangguniang Barangay, BPC, BNS, at mga representanteng mag-aaral mula sa 33 barangay na sakop ng parokya.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isang parada at sinundan ito ng Banal na Eukaristiya na pinangunahan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista. Sa kanyang homiliya,  ipinahayag ng butihing Obispo ang kanyang kagalakan sa inisyatibo ng parokya upang ilunsad at lalo pang palakasin ang kampanya ng PnP. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mga programa ng PnP sa buhay ng mga mahihirap lalo na sa mga batang kulang sa timbang at tamang nutrisyon.

Naging panauhing tagapagsalita ang Provincial Nutritionist na si Gng. Robie Sosa. Inilahad niya ang kalagayang pang-nutrisyon ng lalawigan at ipinahayag ang pasasalamat sa napakalaking tulong ng Simbahan sa pamamagitan ng PnP HAPAG-ASA Program upang masolusyonan ang lumalaking bilang ng malnutrisyon sa lalawigan.

Tampok din sa pagdiriwang ang Song Interpretation Contest ng mga batang napasama sa HAPAGASA Feeding Program mula sa mga barangay. Tumayong hurado sina Reb. Pdre.Edison Lotilla, PnP Coordinator, Reb. Pdre. Jovin Grimaldo at Gng. Virgie Penaroyo. Nanguna sa nasabing patimpalak ang mga batang kalahok mula sa Brgy. Lapu-lapu. Sinundan ito ng mga taga-brgy. Kamandugan at pumangatlo naman ang mga batang mula sa brgy. Lamesa.

Pagtatayo ng bagong parokya sa Brgy. Aturan, inihahanda
Sta. Cruz, Marinduque – Labis ang kaligayahan ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista sa biyayang natanggap ng diyosesis matapos ang kanyang pagdalaw sa lupang pagtitirikan ng bagong parokya sa barangay Aturan, Sta. Cruz noong Hunyo 22, makalipas ang Holy Spirit Mass ng Holy Infant Parochial School.

Lubos ang pasasalamat ng Obispo sa kabutihang-loob ng may-ari ng lupa na si Gng. Eloisa Paracha sa kanyang mithiing makatulong para sa ikauunlad ng diyosesis at sa kapakanan ng sambayanang Kristiyano. “Answered prayer” aniya ang pagkakataong iyon sapagkat matagal nang naghahanap ang diyosesis ng bagong lugar para sa bagong simbahan partikular sa brgy. Landy na sana’y sentro ng parokya.

Muling binisita ng obispo ang nasabing lugar noong Hunyo 28 upang ganap na ma-inspeksyon ang kabuuan nito kasama ang planong pagtatayuan ng bagong sementeryo na humigit-kumulang 5500 sq. meters. Mabibiyayaan din ang mga madre ng MCST ng 600 sq. meters para naman sa kanilang bagong kumbento at planong kindergarten.

PAGBUBUO NG PANIBAGONG DIOCESAN PASTORAL PLAN PAGKATAPOS NG TAON NG MGA PARI
Sa pagtatapos ng Taon ng Mga Pari, lalong naging malalim ang pagtatalaga ng sarili ng bawat pari sa buong mundo at maging dito sa ating diyosesis. Napakaganda ng paala-ala ng Santo Papa Benedicto XVI sa kanyang homiliya sa pagtatapos ng Year For Priests – “The priest is not a mere office-holder, like those which every society needs in order to carry out certain functions. Instead, he does something which no human being can do of his own power. The priesthood is not simply “office” but sacrament: God makes use of us poor men in order to be, through us, present to all men and women, and to act on their behalf.” Ang pari ang buhay na tanda (sign) ng presensiya ng Diyos sa daigdig.

Sa liwanag ng katotohanang ito, hinihikayat ko ang ating kaparian na panatilihin ang katapatan sa bokasyon o pagtawag ng Diyos at ang paglilingkod sa diwa ng pagmamahal (pastoral charity) sa sambayanan. Napakagandang ang maging konkretong bunga ng Taon ng Mga Pari ay ang pagbabalangkas muli natin ng panibagong Diocesan Pastoral Plan batay sa Unang Sinodo ng ating Diyosesis at huli nating ginawa noong Setyembre 26, 2006. Nagkaroon tayo ng pagtatasa o evaluation ng ating Pandiyosesis na Programang Pastoral noong Setyembre 27, 2008 pagkatapos ng General Reshuffle noong Hunyo 2008. Dahil sa pantatlong taon ang binalangkas na programa at mga gawain ng mga komisyon sa ating diyosesis, marapat lamang na magsama-sama muli tayo para bumuo ng mas napapanahong programang pastoral na magpapatuloy ng ating ginagawa. Ang sabi ni Cardinal Antonio Cañizares Llovera, pinuno ng Congregation For Worship and Sacraments – “Since Christ is at the base of the priesthood, there is no room for mediocrity in a priest’s life.” Dahil si Kristo ang pundasyon ng ating pagkapari, walang puwang dapat ang pagwawalang bahala sa buhay ng pari. Palaging dapat ay may kasigasigan ang paglilingkod ng mga pari.  Ang Programang Pastoral ang magsisilbing direksiyon ng ating mga gawain.  Kaya, magbabalangkas muli tayo ng ating mga gawain sa ating diyosesis ngayong darating na mga buwan.

Tinatawag ko ang pansin ng Diocesan Pastoral Director at lahat ng mga Direktor ng iba’t-ibang Komisyon ng ating Diyosesis na magpulong at magbalangkas ng mga dapat gawin para maging malinaw ang magiging proseso ng ating Diocesan Pastoral Assembly kasama ang ating mga relihiyosa at mga lider-layko ng iba’t-ibang parokya. Iminumungkahi ko ring balikan natin ang 2006 Diocesan Pastoral Plan at ang Diocesan Evaluation noong 2008 para makita natin ang dapat pang isaayos, bigyan ng prayoridad at patatatagin na mga programa. Mahalaga rin na lalo pang kilalanin muna ng mga Kura Paroko ang kanilang mga parokyano at ang kanilang kalagayan sa ‘barangay babad’ upang tunay na maiakma ang anumang programa na gagawin para sa kanila.

Hindi ibig sabihin ng pagbabalangkas muli natin ng panibagong Programang Pastoral para sa diyosesis ay wala tayong naisakatuparan sa nakaraang mga taon.  Sa tulong ng Diyos ay napakarami na tayong nagawa sa nakaraang mga taon pero hindi tayo dapat tumigil sa patuloy na pag-unlad ng ating diyosesis at mga parokya. Naparami pa lalo natin ang ating mga Batayang Pamayanang Kristiyano (BPK) at napatatag pa lalo natin ang dati ng mga aktibong BPK. Nabigyan ng iba’t-ibang paghuhubog ang mga lider-layko, mga kabataan, at mag-asawahan. Naipaabot natin ang iba’t-ibang tulong sa mga kapatid nating dukha sa pamamagitan ng pabahay, programang pangkabuhayan at pagpapakain sa mga batang kulang sa timbang sa tulong ng Pondo ng Pinoy. Marami na rin ang naisakatuparan ng iba-t ibang mga Komisyon ng ating diyosesis na hindi ko na ihahanay dito. Nagpapasalamat ako sa kasigasigan ng ating mga pari sa kanilang paglilingkod sa iniatang sa kanilang mga tungkulin.

Sa katapusan ay napakagandang muling banggitin dito ang layunin o ‘objective’ ng Taon ng Mga Pari para magsilbing paala-ala sa Obispo at sa ating kaparian – “The great objective of the Year For Priests was to renew in every priest the awareness and concrete carrying out of their true priestly identity and their specific spirituality in order to again continue the mission in a renewed way.” ayon kay Cardinal Claudio Hummes, pinuno o ‘prefect’ ng Congregation For Clergy. Naniniwala ako sa masaganang biyaya ng Diyos na patuloy Niyang ipagkakaloob sa akin na inyong Obispo at sa ating mga pari para maisakatuparan natin ang misyon na galing rin sa Diyos nang may panibagong sigla.

Ang mga Sagisag ng Pananampalataya
Sa pasimula pa, ang Simbahang Katolika ay nagtuturo na at nagpapalaganap ng kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng mga maikling pormula, na nagsisilbing pamantayan para sa lahat. Sa paglipas ng panahon, tinipon ng Simbahan ang pinakabuod ng kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng mga tala an ng kanyang pinaniniwalaan na maingat na isinaayos upang maging katanggap-tanggap para sa lahat ng mananampalataya.

Ang mga inihanay at isinaayos na mga tala ng pananampalataya ay tinatawag na “Pagpapahayag ng Pananampalataya” sapagkat ito’y buod ng pananampalataya ng mga Kristiyano. Ito rin ay tinatawag na “CREDO” mula sa unang kataga nito na “Sumasampalataya ako.”

Ang pinakamatandang Simbolo ng Pananampalataya ay ang ginagamit sa pagdiriwang ng binyag. Yayamang ang binyag ay ipinagkakaloob “sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo,” ang mga katotohanan ng pananampalataya na ipinapahayag sa Binyag ay ipinapaliwanag na nakabatay sa tatlong Persona ng Santisima Trinidad. Samakatuwid, ang Simbolo ng Pananampalataya ay nahahati sa tatlong bahagi: una – ukol sa unang Persona ng Diyos – ang kanyang kahanga-hangang paglikha sa sanlibutan; ang ikalawa – ukol sa ikalawang Persona, ang misteryo ng pagtubos sa sangkatauhan; ang ikatlo – ukol sa ikatlong Persona, simula at bukal ng ating kabanalan.

Maliban sa pagkakahati sa tatlong bahagi ng Simbolo ng Pananampalataya, ang bawat bahagi ay nahahati pa rin sa iba’t ibang katotohanang dapat sampalatayanan. Ang mga katotohanang ito ay tinatawag na “artikulo ng pananampalataya.” Ang Credo ay binubuo ng 12 artikulo ng Pananampalataya. Ayon sa lumang tradisyon. na pinatutunayan ni San Ambrosio, nakaugalian nang itakda ang 12 artikulo ng Credo bilang larawan ng labindalawang apostol.

Sa mga nakalipas na panahon, nagkaroon ng maraming simbolo ng pananampalataya ang Simbahan bilang tugon sa pangangailangan sa iba’t ibang panahon. Sa lahat ng simbolong ito, dalawang simbolo ang nangibabaw at naging mahalaga sa buhay ng simbahan: ang Credo ng mga Apostol at ang Credo ng Niceno-Constantinople.

Ang Credo ng mga Apostol ay ang buod ng pananampalatayang ipinangaral ng mga Apostol. Ito ang pinakamatandang Simbolo ng Simbahan ng Roma. Ang Credo Niceno-Constantinople naman ay bunga ng dalawang unang kapulungang ekumeniko, ang naganap sa Nicea (325 AD) at ang naganap sa Konstantinopoli (381 AD).

Sa ating pag-aaral sa Simbolo ng ating Pananampalataya 0 Credo, ating itutuon ang ating sarili sa Credo ng mga Apostol na siyang pinakamatandang katesismo Romano subalit gagamitin din natin ang Credo Niceno-Constantinople para sa mas malalim at masinsinang pagunawa sa pananampalataya.