Diocese of Boac

Marinduque, Simbahan ng mga Dukha na may Katarungan, Pag-ibig at Kapayapaan

Archives for the ‘Editorial’ Category

ALAY-KAPWA, ALAY DIN NATIN SA DIYOS

By Diocese of Boac • Mar 11th, 2013 • Category: Editorial

Sa panahong ito ng kuwaresma tinatawagan tayong lahat na manalangin, magsakripisyo at magkawang-gawa. Ang sabi ng ating mahal na Panginoong Hesukristo, “kung paanong iniibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko tinutupad ko ang mga [...]



Ako para sa Aking Kapwa

By Diocese of Boac • Oct 17th, 2012 • Category: Editorial

Sa isang artikulo na inilathala sa internet sinasabi ang ganito: “men and women for others are people who will live not for themselves but for Christ – the God-man who lived and died for the world; people who cannot even conceived of love of God which does not include love for the least of their [...]



Ang lahat ng nilikha ay para sa bawat isa

By Diocese of Boac • Jul 3rd, 2012 • Category: Editorial

Nakakalungkot isipin na sa mundo nating ginagalawan, mayroong hindi pagkakapantay-pantay. Ito ang realidad sa kalakhan at mas nakakalungkot isipin na kahit sa munting lipunan, kitang-kita ang hindi pagkakapantay-pantay. May taong lamang na nga sa pinag-aralan, manlalamang pa sa kayamanan. May taong lamang na sa kabuhayan, manlalamang pa sa kapangyarihan. Lamang na nga, kukunin pa ang [...]



Pastol ng aking kapwa

By Diocese of Boac • May 21st, 2012 • Category: Editorial

“Ako ang mabuting pastol.” Ang salitang ito’y nagmula mismo kay Hesus. Sa panahong ito ng muling pagkabuhay ni Hesus tinatawagan tayong lahat na maging isang pastol. Ang pagiging pastol ay hindi lamang para sa mga Obispo at Pari, tayo ring mga ordinaryong mananampalataya ay tinatawagan upang maging isang pastol sa ating kapwa. Pero sino nga [...]



Pag-asa ng Nagdurusa

By Diocese of Boac • May 15th, 2012 • Category: Editorial

Maugong pa rin sa mga balita at maging sa mga kwentuhan ang tungkol sa nagaganap na impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado. Sa pasimula pa lang ng taong 2012, ito na kaagad ang bumulaga sa bawat isang Pilipino – ang pagpapatalsik sa di umano’y korap na punong mahistrado ng Pilipinas. Maraming umaasa [...]



Pasko: Pagbabago

By Diocese of Boac • Nov 29th, 2011 • Category: Editorial

Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng Pasko. Kabi-kabila na naman ang mga dekorasyon. Yong iba, Setyembre pa lamang o Oktubre may dekorasyong pampasko na pero pagdating ng undas dekorasyong pang halloween naman. At pagkatapos ng undas ibabalik ang dekorasyong pampasko. Marami na namang Christmas lights sa paligid. At ang liwanag ng mga magagarang ilaw na [...]



Sentro

By Diocese of Boac • Sep 12th, 2011 • Category: Editorial

Sinasabing ang Marinduque ang sentro ng Pilipinas sapagkat nandito sa ating probinsya ang marker na nagpapatunay na ito ang gitna ng ating bansa. Matatagpuan ang marker na ito sa Hinanggayon, Mogpog, Marinduque , ang tanda bilang sentro ng buong arkipelago. Maaring ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag din ang ating probinsya na puso ng [...]



Balik-Korupsyon

By Diocese of Boac • May 17th, 2011 • Category: Editorial

Pansinin natin, di ba’t umiikot lang ang balita? Tila walang natatapos na kaso at panay simula lang ang paglilitis at madalas pa’y nawawalan ng pasa ang sakripisyo ng ilang tao upang ibulgar ang katotohanan sa madla. Ano na nga ba ang nangyari sa mga impeachment trials? Nasaan na ang kaso ng Fertilizer Scam, ZTE deal, [...]



RH Bill, hindi isang paninda

By Diocese of Boac • Jan 10th, 2011 • Category: Editorial

Muling pumailanlang ang isyu ng Reproductive Health Bill nitong mga nakalipas na linggo. Mabentang mabenta maging sa mga pahayagan, telebisyon, radyo at Internet ang usaping ito na umano’y hakbang upang maibsan ang kahirapan ng bansang Pillpinas. Tila ba isang bilihin na paulit-ulit ang patalastas at mga paraan upang makumbinsi ang mga tao at mabili ang [...]



ELEKSYONG PAMBARANGAY

By Diocese of Boac • Nov 10th, 2010 • Category: Editorial

Matapos ang mahigit 100 araw ng panunungkuian ng mga bagong halal at kasaiukuyang administrasyon, local at nasyunal, muling pumailaniang ang diwa ng pulitika sa katatapos pa lamang na eieksyong pambarangay. Muting natuon ang pansin at pagpapahaiaga ng sambayanan sa pagpili ng karapat-dapat mamuno sa barangay na kanilang kinabibilangan. Muling nagiabasan ang mga magagandang piano at [...]