Sa usapin tungkol sa Kalikasan, marami ang nagiging mga katanungan na dulot ng mga sakunang nararanasan sa buong mundo nitong mga nakalipas na panahon (lindol, bagyo, tag-tuyo, taglamig, at iba pa). Pinagsusumikapang tunay ng mga marurunong na bigyang kasagutan ang tanong ng mga tao kung bakit sa panahon natin nangyayari ang mga bagay na ito. […]
Author: Diocese of Boac
Parochial Youth Camp,Isinagawa sa Parokya ng Tapian
Labo Elementary School, Labo Sta.Cruz,Marinduque- bilang bahagi sa paghuhubog sa mga kabataan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo. Nagkatipon-tipon ang mga kabataan ng Parokya sa Labo Elementary School noong ika-25-26 ng Oktubre 2015 upang isagawa ang Parochial Youth Camp 2015 na may temang “#KabataanPaMore”.Ito ay dinaluhan ng mga kabataang buhat sa mga […]
March of the Saints Ginanap sa ICP
Ika-31 ng Oktubre 2015, Parokya ng Inmaculada Concepcion, Boac, Marinduque, muling isinagawa sa ikalawang pagkakataon ang March Of the Saints bilang pagbibigay pugay nila para sa mga Banal at ito’y isang paraan din ng katesismo sa mga tao na ang unang araw ng Nobyembre sapagkat ito’y inilaan ng simbahan para sa lahat ng Banal sa […]
Muling pagtatalaga sa Lingkod-pari at paglalagak ng panulukang bato para sa pagpapaayos ng simbahan, sabay na isinagawa
MHCP, Balimbing, Boac – Kasabay ng muling pagtatalaga kay Reb. Padre Milliemar M. Perin bilang Lingkod-pari ng Parokya ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano ay inilagak naman ang panulukang bato bilang hudyat ng pormal na pagpapasimula ng pagsasaayos ng simbahan, ika-27 ng Setyembre, 2015. Ang nasabing mga gawain ay pinangunahan ng Obispo ng Diyosesis, Lubhang […]
Alingawngaw
Sabi nila “life is an echo. What you send out comes back. What you sow you reap. What you give you get. What you see in others exists in you.” Sabi nga ng iba karma daw ang ibig sabihin niyan pero kung ating pagninilayan lahat ng ginagawa natin at sinasabi nagrereflect sa atin. Kung ano […]
Yaman at Lakas
Tinitingala nating mga Pilipino ang mga mayaman at at malakas. Maraming mga tao ang handing magsakripisyo at isakripisyo ang pagiging magkamag-anak, magkaibigan, magkababayan, magkapartido, magkaklase o iba, ang sariling paniniidigan at paniniwala at ibang tao dahil lamang sa paghahangap ng yaman o lakas. Ang yaman ay mabuti pati na ang mga ari-arian. Ibig ng Diyos […]
Denying Communion to Someone
Q: What is a priest (or for that fact, a deacon or extraordinary minister of Holy Communion) supposed to do in such an instant when it is common knowledge that someone presenting themselves to receive the Body of Christ is not in a state of grace? Can a person who is in an active homosexual […]
Ika-32 Linggo sa Pangkaraniwang Panahon Mc. 12:38-44 Nobyembre 8, 2015
“Inihulog niya…ang mismong ikabubuhay niya.”Inaanyayahan tayo ng Panginoong Hesus na tumulad sa babaeng balo sa ating Mabuting Balita. Inialay niya nang bukal sa kanyang kalooban ang salaping sana ay kanyang magagamit para sa pang-araw-araw na buhay. Ang pag-aalay na ito ay naging kalugod-lugod kay Hesus. Sa ating buhay, hindi mahalaga kung gaano kalaki o kaliit […]
Ika-33 na Linggo sa Pangkaraniwang Panahon Mc. 13:24-32 Nobyembre 15, 2015
“Lilipas ang langit at lupa, ngunit hindi lilipas ang aking salita”. Walang bagay ang permanente sa mundo. Lahat ng bagay ay lumilipas, kumukupas, naglalaho at nawawala subalit ang Salita ng Diyos ay sa hindi matitibag, mawawasak, ni maglalaho. Palagi nawa nating ipakita ang ating malalim na pananalig, pag-asa at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng […]
Dakilang Kapistahan ng Paghahari ng Panginoong JesuKristo sa Sanlibutan Jn. 18:33b-37 Nobyembre 22, 2015
Sa pagdiriwang natin ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari, kinikilala natin ang ating Panginoong Hesus bilang Hari ng ating buhay. Sa pagdarasal natin ng “Ama Namin”, sinasabi nating “Mapasaamin ang Kaharian Mo”. Ipinagdarasal nating ang kalooban ng Diyos ang siyang matupad at hindi ang sa atin. Kung maghahari ang Diyos sa ating buhay, maghahari rin […]